RSS

Pages

Krismas and Haberday Gifts

Gifts... Gifts... and more Gifts!

Ang pinakamasarap kapag Christmas and Birthdays ay ang makareceive ng regalo. And I received the best gifts on these two occasions. And I'm so excited to document it all here..

'wag nang tanungin kung kanino ang pinakada-best. Chos!

Most Requested...

Ang pinagkahirapan kong i-claim na Starbucks Planner...

Eto ata ang pinakawinish kong mareceive ng birthday ko. Wala kasing ganyang raket dito sa Dubai. Only in the Philippines lang ata ang pagpapakalunod sa starbucks coffee from September to December para makaearn ng stickers para sa limited edition planner. Kaya nung pinalad akong mabiyayaan ng claim stub ng pinsan ko na si Anne (na adik sa pangongolekta ng planners) e nagpunta na kaagad ako sa mall para i-claim.

Sa sobrang dami ng Starbucks sa Trinoma sa pang-apat at pinakaliblib na outlet ko pa 'to nakuha. Nagkakaubusan na kasi ng stock. At medyo swerte na rin kasi last stock na daw ng wood design yung nakuha ko. Hindi ko kasi type yung metallic lalo naman ang velvet!

Ang goal ko ngayon e i-fully utilized ang Planner... so watched out for my handwriting, na according to Yte e parang sulat ng kaliwang paa. :P


Books! Books! Books!

Mawawala ba naman ang books sa wishlist ko. Kaya sinamantala ko nang magrequest na books para sa exchange gift with my College Friends and Neighbors.

Mommy Gabs gave me Three Cups of Tea and The First Book sa Millenium Trilogy ni Stieg Larsson : The Girl With The Dragon Tattoo.

While Mommy Edgar naman ang nagbigay ng 2nd book of the Millenium Trilogy: The Girl Who Played With Fire.

Si Pareng Noel at ang aking kanta...

"Ang nakalipas ay ibabalik natin..."
Sobrang paborito ko 'tong kanta na 'to. In fact I want it to be sung on my wedding day. At dabest ang version ni Pareng Noel Cabangon. Kaya kasali yung cd nia sa wishlist ko sa exchange gift, Buti na lang searching si fave sis ng haberday gift sa 'kin kaya inagaw nya sa mommy ko kaya sya ang naggibsung sa akin. At walang tapon sa album. Kaya paos na si Pareng Noel sa kakaulit ko sa pakikinig. Hehe!

Ang Reyna ng Panghaharbat

Kikay kit from Kikay friend...

Ang sarap ng may kikay friend! I was just admiring this makeup kit of Yte habang nagreretouch sya sa kotse, bigla ba namang sabihing "Gusto mo? Sa'yo na."
Napasagot tuloy ako ng 'Seryoso ka?"
E seryoso nga sya. Saka kahit sabihin nya pa na Joke! joke! joke! Topo topo barega na noh! Kaya balik na naman ang aking kikayness! :)!

x.s. good decision talaga ang pakikipagreconcile ko. Me pakinabang din tong butete na 'to! joke lang Bru! Labyu!

Isa pang set ng kakikayan courtesy of Becs and Yham...

Harbat na ring matatawag. Naalala ko na nagwowork si Jho na hipag ni Becs sa Makeup section sa mall. Nagpatanong lang ako ng price ng lipstick, the next na magkita kami dala na nila lahat yan. At say mo, FREE! As in! puro Rimmel pa at orig itetch!

Sobrang happy with all the kikay things... in time para sa pagbabalik ng aking kakikayan. Kesehodang ma-late basta ayos ang muk-ap ng bakla! *^_^*

Philippine flag on my watch...

Kung paano napasakamay ko ang Unisilver watch ni chai? Ganito kasi yun... Habang nagdi-dinner with Chai, Noren, Bha and Wines sa Super Bowl, Gateway. Napansin ko ang nasasabing relo...
Ako: "Ay ang ganda naman ng watch mo Migs"
Bha: Gusto mo? eh walang problema. Ibibigay na sa'yo ni Friend yan.
Chai: Ay oo Migs, meron pa kong isa, Philippine Map naman
Thought cloud (Parang gusto ko din yun... KAPAL!!! :p)


More Kikay Gifts...

ang Regalo ni Ilumina...

Teatro + Ilumina = Gypsie Earing from Yhan. Napakaflambouyant Bru! Baklang-bakla! type tuloy ng mga gay friends. Balak hiramin sa pagrampa. "Kaw na ' Teh!"        

Charmed Ones…

Ang hayskul BFF ni Kapataid na si Tonet e ayaw magbigay ng bigas kasi me nabili na daw na gift for me. Pasaway! Pero in fairnes... Luvettt!!!




Regalo ng mga Senadora

Eeyore's gift to Piglet...

Luv this personalized tumbler made by Marse Noren. Nageffort sa mga pix and syempre me picture yan ni piglet. nagtatago nga lang. Hehe!

ang Wallet na Maswerte...

Thanks Bha for the super Kikay wallet! Sosyal nakaHermes akech! ;p
The Biggest SURPRISE!!!

Ikaw at si Johnoy...


Ang pinakaunexpected gift from the most unexpected person na magreregalo sa akin. Kaya nung inilabas nya 'to from his bag muntik ko na syang ma-MWAHUGS(!) sa sobrang tuwa. Pinagsisihan ko na ang hindi ko pagbili ng cd ni fafa Johnoy nung manood kami ng gig. Buti na lang naisipan ng aking hilaw na labteam na bumili, with dedication. Hangswet! *^_^*
 Abswelto ka na for not greeting me on my exact birthday. Me malashowbiz ka pa lang gimik. Ang Arte!!! <kilig2death>    

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

prEcIOUs blOOD

Seven years ago I found out that my blood type was A+. When I got home I immediately asked my Mom her blood type. She told me that she's type O. So, I said my Dad better be an A+ çoz if not that means I'm adopted and soon I will be having my own telenovela (feeling juday ang drama). I even teased my sister that hers was "O"rdinary while mine is precious. But the issue about my being adopted has not been settled.

Not until I saw my brother's post in FB asking for blood donation for my Dad. Two things immediately came in to my mind--- Anak nga ako ni Mang Jose and WTF am I doing here when I am the right match for my Dad?!!!

I am desperately wanting to Fedex mine and cursing blood bank for not having enough supply. Feeling helpless and useless at the same time, the only thing I could do is to repost my brother's plea and pray that they would soon find donors.
 
Luckily, most in the Aquino clan are Type A+. And boy, we have a big family! But if ever we still need more I will ask Pres. Noy and Tita Kris to donate (feeling kamag-anak).

But kidding aside, I'm really thankful to my Insan's JÉCKA, ALDIE, EDMAN and NEVIE for not thinking twice in donating their blood. Your Diko Jose will forever be grateful that the blood running through his veins is keeping him alive for the next hundred years are from his pamangkins. Thank you also to my Insan's JHENG and GRAXAMALDITA who are willing to donate but are not allowed 'coz unfortunately, Anemia runs in the family also (and that also disqualifies me as a donor), my TITA NENETH who was disqualified because of diabetes and TITA CRISTY who is willing to fed-ex her blood too.

Somehow the word "INSAN" that we often heard from the previous generation brought a new meaning to me. It is not just a word... It is our own precious blood that bind us and it is our own precious blood that will continue the legacy, irregardless of its type.

TO ALL MY INSANS and my FATHER'S INSANS, SALAMAT!!!

I know that there are still so many people that I should be thanking to right now and this page won't be enough. In behalf of my family, we are forever be indebted to you. Thank you...

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

hIgIt pA sA bUhAy kO...

“Do you love or do you crush?” Haayyy!!! Nangungulit na naman si kuya Eric.Syempre mapapangiti lang ako. Kunwari hindi ko narinig.


“Mahal mo?” Pang ilang beses na ‘ ba ‘to natanong?


“Haayyy!!!” (ulit!)


Eto na naman ako parang sabit sa lakad ng barkada niya. Kelan kaya kami aalis na kaming dalawa lang? Not that I don’t like his friends… kaya lang we don’t have a chance to talk and catch up on each other’s lives. Para kasi kaming me mga fans na nanonood at sinusubaybayan lahat ng galaw namin. At ganito na lang palagi ang nangyayari… Palagi na lang akong nasa hotseat!


“Jovs, ano mahal mo?” Nakupo! Si Richie naman ngayon ang bumabanat. Patay na!


“Bakit hindi mo masagot? Ganyan talaga ang mga taga-PUP. Wala kasing canteen… hindi nananghalian… kaya hayan!


“Ako na naman ang nakita mo. Ano ba kasi yung pangalan nung taga-PUP na bumasted sa’yo?” Napapailing na tanong ko.


“Ano na nga Jovs? Do you love or do you crush?” Lasing na talaga si Kuya Eric. Ayaw akong tantanan.


“I only hate… I hate you!!! Kulit mo kasi!” Medyo halatang naaasar na ko sa mga tanong nila.


“Papaiyakin mo lang iyong kaibigan namin. Niloloko mo lang siya!”


Eto na naman sila pinaparatangan ako ng kung anu-ano. Feeling ko tuloy ang sama-sama kong tao. Ano bang gagawin ko para tumigil na sila? Hindi ko na tuloy siya matingnan. Baka magalit na siya. Medyo me pagkapikon pa naman siya. Ano kayang iniisip niya kapag tintanong ako ng barkada niya tapos hindi ako makasagot? Siya lang naman kasi ang iniisip ko.Baka magalit siya…


Bakit ba kasi kailangan nilang malaman? Minsan gusto ko nang sagutin kaya lang hindi naman iyon dapat pinag-uusapan ng ganon na lang. Para kasing tinatanong lang nila kung gusto ko bang kumain?


Ano naman kaya ang magiging reaksiyon niya kapag sinagot ko ‘yung tanong na ‘yon? Alam ko naman na matatakot siya. Baka layuan niya na ako. Saka gusto kong sagutin kapag siya na ‘yung nagtanong… siya lang naman ang may karapatan na makaalam ng sagot ko.


“E Mark, mahal mo ba?” Baling ni Kuya Eric sa kanya.


“HIGIT PA SA BUHAY KO!”

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS