RSS

Pages

Showing posts with label chAI. Show all posts
Showing posts with label chAI. Show all posts

To Chai: 32 Reasons why you are my friend and my 1 Haberday wish for you, Migs...


1.       dahil sa'yo nakapagtrabaho ako sa Senate… at minsan ako ay yumaman. At dun na rin nagsimulang mawindang ang tahimik kong buhay at ang mas malalim nating samahan. Kaya't halina at ating balikan... *^_^*

2.       dahil palagi mo akong pinagluluto ng favorite kong sinigang pag nakikikain ako sa apartment.

3.       dahil pinagplantsa mo ako ng damit nung minsang nagsleep over tayo. Alam mo kasi hindi ako marunong magplantsa nun. ;)

4.       dahil kulang na lang e patirahin mo ko sa boarding house/apartment mo… actually, andun pa ata yung toothbrush ko. Hehe!

5.       dahil nung 2003 haberday ko, niregaluhan mo ko ng favorite scent ko na Victoria Secret na hindi ko alam kung saan mo nahanap… hanap mo nga ulit ako. Phase out ata yun :(

6.       dahil sa'yo nanggaling ang recipe ng coffee jelly na best-seller sa mga friendships ko.

7.       dahil lahat ng maisip kong pag-aralan lutuin e merecipe ka nang itetext sa akin.

8.       dahil palagi tayong magka-share sa ulam nung opismeyt pa tayo.

9.       dahil pag may bagong meal ang jollibee/mcdo/greenwich/kfc, tinatry natin yun. Takaw natin! :p

10.    dahil bago ka matulog e nagmumuni-muni ka pa, sa saliw ng "Mr. Dj" ni Ate Shawie habang tumutulo ang luha mo sa unan na me nakaipit na piktyur ni… itago na lang natin sa pangalang… ANTHS_M@yahoo.com (pagkakataon ko ng mambuking. Hehe!)

11.    dahil number 2 fan ka ni Sheryl Cruz! Ako ang Number 1! "I love you, Nicko!" Bwehehe!

12.    dahil sa kantang "I'm not crazy, I'm just a little unwell"… hindi ko na matandaan kung bakit. Basta kanta ko yan sa'yo. Naalala mo pa ba kung bakit?

13.   dahil pareho nating peborit ang "Million Miles Away"… and this song is lovingly dedicated to… ikonek natin sa CPAR (Harot!)

14.   dahil sinamahan mo akong manood ng E-heads concert… punta ka dito, andito si fafa Ely. Magshoshow… tribute daw sa E-heads :)

15.    dahil sinasamahan mo akong manood ng horror films kahit nakatakip ang kamay mo sa mga mata mo hanggang matapos ang pelikula.

16.    dahil siguradong maaalala mo ko pag narinig mo ang kantang "If I Believe"… pero nde ko naman ata nakwento sa'yo ang "Tattooed on my mind". Gusto mo kwento ko na ngayon? hahaha!

17.    dahil sasamahan mo kaming manood sa Araneta at magchicheer ka sa Ginebra, kahit SMB fan ka basta hindi sila ang mag kalaban.

18.    dahil palagi mo akong pinapautang…pero hindi ko ipagsasabi, baka mangutang din sila. Hehe!

19.    dahil kilala mo halos lahat ng kaibigan ko… at pag kasama ko sila, ikaw ang hinahanap nila. Siguro gusto nilang makipagSwap ng barkada? Ikaw na! Da Best ka ,eh! :P

20.    dahil kahit bonggang bonggang lait at pangaaway ko sa dating former ex mo noon eh wala ka pa ring violent reaction… hindi kaya sinumpa mo lang ako na hindi magkakaboypren kahit kelan? Waaahhhh!

21.    dahil kahit gaano ka pa kaasar o kagalit ang alam mo lang na reaksiyon e "Sira ka", "Sira sya", "Sira silang lahat"… yan na ang alam mong mura. (ako na lang mumura sa kanila…&^*&^#&%!^@^*&^ nyong lahat!)

22.    dahil kahit na nasa Malolos ka basta nagtxt ako ng "Migs, san ka? Inom tayo?", luluwas ka para lang samahan ako.


23. dahil kahit isang boteng beer lang ang iinumin mo sasamahan mo ko hanggang maglast order na… or makiusap sa atin ang weyter na lumayas na tayo. :p 

24. dahil may talent tayo sa pag-inom at pag-iyak at the same time sa loob ng bar… kasi trip lang natin. Kaya wag silang makikialam! Gusto nating magpadiscover ke Direk! :P 

25. dahil kahit gaano ka pa kaantok basta galing tayo sa gimik magaantay ka ng txt para masiguradong nakauwi ako ng matiwasay :) 

26. dahil pag lasing ka na… lahat ng sikreto ko binubunyag mo! Bonggang-bonggang paglalaglag! Sana walang ganyang eksena kanina :|

 27. dahil pinakikinggan mo lahat ng kwento ko… kahit gawa-gawa lang lahat. :p

28. dahil kilala mo silang lahat na kinabaliwan ko… kahit sa pangalan lang. at hindi mo na sila kinalimutan… palagi mo silang pinapaalala. Tsk! Tsk!

29. dahil everytime na magkita tayo me isang tao kang palaging kinakamusta ng walang palya! Pansin mo?

30. dahil Number One Fan ka ng lahat ng mga unsyaming labteam sa buhay ko… siguro jini-joke mo lang ako? Deep inside iniisip mo "Assuming ka lang, migs". Hayaan mo na, magfeeling man lang. Hehe! 

31. dahil pinagtityagaan mo ang isang loka-lokang katulad ko na walang alam gawin kundi magunderground at maglaho sa magulong mundo ng syobiz! (Drama queen itetch!)

 32. dahil kahit ilang beses kitang awayin, iwanan, pagtaguan, hindi kausapin… anjan ka pa din kung san kita iniwan... sa Tayuman… kulit mo! Lipat ka na nga sa Forbes. :P

at isa lang naman ang natatanging wish ko for you… at eto yun…

33. wish ko na maging wedding coordinator mo SOON! Naiinip na ko! Kelangan makahanap ka na ng mag-aalaga sa "Pagod mong puso!" Hehe! Pramis kahit na saang lupalop pa ako, uuwi ako para lang jan. Ano bang mottif mo? Gusto mo Beach, church o garden wedding? Gusto mo yung Garden of Eden theme... hubo't hubad kayo ng groom pati mga guests. lol

So in short, nde yan wish… COMMAND! Sige ka hahanap si nanay ng veklang lalahi sa'yo. Hehe!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Krismas and Haberday Gifts

Gifts... Gifts... and more Gifts!

Ang pinakamasarap kapag Christmas and Birthdays ay ang makareceive ng regalo. And I received the best gifts on these two occasions. And I'm so excited to document it all here..

'wag nang tanungin kung kanino ang pinakada-best. Chos!

Most Requested...

Ang pinagkahirapan kong i-claim na Starbucks Planner...

Eto ata ang pinakawinish kong mareceive ng birthday ko. Wala kasing ganyang raket dito sa Dubai. Only in the Philippines lang ata ang pagpapakalunod sa starbucks coffee from September to December para makaearn ng stickers para sa limited edition planner. Kaya nung pinalad akong mabiyayaan ng claim stub ng pinsan ko na si Anne (na adik sa pangongolekta ng planners) e nagpunta na kaagad ako sa mall para i-claim.

Sa sobrang dami ng Starbucks sa Trinoma sa pang-apat at pinakaliblib na outlet ko pa 'to nakuha. Nagkakaubusan na kasi ng stock. At medyo swerte na rin kasi last stock na daw ng wood design yung nakuha ko. Hindi ko kasi type yung metallic lalo naman ang velvet!

Ang goal ko ngayon e i-fully utilized ang Planner... so watched out for my handwriting, na according to Yte e parang sulat ng kaliwang paa. :P


Books! Books! Books!

Mawawala ba naman ang books sa wishlist ko. Kaya sinamantala ko nang magrequest na books para sa exchange gift with my College Friends and Neighbors.

Mommy Gabs gave me Three Cups of Tea and The First Book sa Millenium Trilogy ni Stieg Larsson : The Girl With The Dragon Tattoo.

While Mommy Edgar naman ang nagbigay ng 2nd book of the Millenium Trilogy: The Girl Who Played With Fire.

Si Pareng Noel at ang aking kanta...

"Ang nakalipas ay ibabalik natin..."
Sobrang paborito ko 'tong kanta na 'to. In fact I want it to be sung on my wedding day. At dabest ang version ni Pareng Noel Cabangon. Kaya kasali yung cd nia sa wishlist ko sa exchange gift, Buti na lang searching si fave sis ng haberday gift sa 'kin kaya inagaw nya sa mommy ko kaya sya ang naggibsung sa akin. At walang tapon sa album. Kaya paos na si Pareng Noel sa kakaulit ko sa pakikinig. Hehe!

Ang Reyna ng Panghaharbat

Kikay kit from Kikay friend...

Ang sarap ng may kikay friend! I was just admiring this makeup kit of Yte habang nagreretouch sya sa kotse, bigla ba namang sabihing "Gusto mo? Sa'yo na."
Napasagot tuloy ako ng 'Seryoso ka?"
E seryoso nga sya. Saka kahit sabihin nya pa na Joke! joke! joke! Topo topo barega na noh! Kaya balik na naman ang aking kikayness! :)!

x.s. good decision talaga ang pakikipagreconcile ko. Me pakinabang din tong butete na 'to! joke lang Bru! Labyu!

Isa pang set ng kakikayan courtesy of Becs and Yham...

Harbat na ring matatawag. Naalala ko na nagwowork si Jho na hipag ni Becs sa Makeup section sa mall. Nagpatanong lang ako ng price ng lipstick, the next na magkita kami dala na nila lahat yan. At say mo, FREE! As in! puro Rimmel pa at orig itetch!

Sobrang happy with all the kikay things... in time para sa pagbabalik ng aking kakikayan. Kesehodang ma-late basta ayos ang muk-ap ng bakla! *^_^*

Philippine flag on my watch...

Kung paano napasakamay ko ang Unisilver watch ni chai? Ganito kasi yun... Habang nagdi-dinner with Chai, Noren, Bha and Wines sa Super Bowl, Gateway. Napansin ko ang nasasabing relo...
Ako: "Ay ang ganda naman ng watch mo Migs"
Bha: Gusto mo? eh walang problema. Ibibigay na sa'yo ni Friend yan.
Chai: Ay oo Migs, meron pa kong isa, Philippine Map naman
Thought cloud (Parang gusto ko din yun... KAPAL!!! :p)


More Kikay Gifts...

ang Regalo ni Ilumina...

Teatro + Ilumina = Gypsie Earing from Yhan. Napakaflambouyant Bru! Baklang-bakla! type tuloy ng mga gay friends. Balak hiramin sa pagrampa. "Kaw na ' Teh!"        

Charmed Ones…

Ang hayskul BFF ni Kapataid na si Tonet e ayaw magbigay ng bigas kasi me nabili na daw na gift for me. Pasaway! Pero in fairnes... Luvettt!!!




Regalo ng mga Senadora

Eeyore's gift to Piglet...

Luv this personalized tumbler made by Marse Noren. Nageffort sa mga pix and syempre me picture yan ni piglet. nagtatago nga lang. Hehe!

ang Wallet na Maswerte...

Thanks Bha for the super Kikay wallet! Sosyal nakaHermes akech! ;p
The Biggest SURPRISE!!!

Ikaw at si Johnoy...


Ang pinakaunexpected gift from the most unexpected person na magreregalo sa akin. Kaya nung inilabas nya 'to from his bag muntik ko na syang ma-MWAHUGS(!) sa sobrang tuwa. Pinagsisihan ko na ang hindi ko pagbili ng cd ni fafa Johnoy nung manood kami ng gig. Buti na lang naisipan ng aking hilaw na labteam na bumili, with dedication. Hangswet! *^_^*
 Abswelto ka na for not greeting me on my exact birthday. Me malashowbiz ka pa lang gimik. Ang Arte!!! <kilig2death>    

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS