Sa loob ng mahigit isang taon ko dito sa Dubai, mabibilang sa daliri ang dalas ng tawag ko sa Pinas. Hindi kasi ako ang tipo ng tao na mahilig magtelebabad plus the fact na kuripot ako. Hehe! Mahal kaya ng tawag. Aed1.25 per minute. Pag dumadating na ang phone bill ko namumrublema na ko sa pambayad. Kaya sa fb lang ako nakikipagusap kay fave sis noon. O kaya emails sa mga dabarkads. Palagi akong nasesermunan ni Mujay. Kasi nga bihira ako tumawag. Tinanggal na rin kasi ang yahoo chat at nakaban ang skype.
Pero swerte! Nadiskubre ng boss ko na mas convenient ang skype sa trabaho namin. Kaya ayun pinaayos sa IT kung pano maiinstall-an ang mga laptops. Syempre kumopya na rin ako para sa laptop ni brader.
Pero swerte! Nadiskubre ng boss ko na mas convenient ang skype sa trabaho namin. Kaya ayun pinaayos sa IT kung pano maiinstall-an ang mga laptops. Syempre kumopya na rin ako para sa laptop ni brader.
Kaya every Saturday ay may grand pulong ang pamilya Dela Cruz. Napakita na namin sa video ang buong bahay, ang laman ng ref at kung anik-anik na makikita sa aming mansyon. Nalait na rin nila kami ng bonggang-bongga! Ang daya kasi wala silang video. Hindi tuloy kami makaresbak!
Sobrang I love skype! Walang gastos, malinaw ang connection, may videocall pa! Last Saturday, nagpaturo ako magluto ng pininyahang manok ke pujay at mujay. On the spot ang pagluluto! Eh kung sa phone yun, pumapatak ang metro. Minsan nga sa sobrang haba ng usapan namin nauubusan na kami ng mapagkwentuhan. Inaabot kami ng two hours.
At dahil ako’y isang dukha lang at walang pamasahe pauwi para sa Haberday ni Fujay magkakasya na lang ako sa skype. Sana matuloy ang aming Online inuman. Hahaha!
0 comments:
Post a Comment