Final episode na ng inaabangan kong koreanovela na "The Baker King". Four months din akong inaliw ng mga karakter sa palabas na 'to. Nasa Pinas pa lang ako sinimulan ko ng subaybayan ang kuwento ng buhay ni Kim Tak Gu. Nang bumalik ako sa Dubai, online ko na lang sya napapanood. Sinasabayan ko si Tak Gu sa pagluluto. Siya sa paggawa ng tinapay, ako sa pagluluto ng hapunan.
Natawa, nainis, kinilig, naiyak at nainspire ako sa kwento. Favorite word namin ng kuya ko ang "fermentation". Asar na asar kami sa mukha ni Manager Han. Kilig na kilig ako kay Tak Gu at Melissa. Atat na atat akong malaman kung sila nga ang magkakatuluyan. Kasi may pananggulo, Si Eula.
Maraming mapupulot na aral sa palabas na 'to. Hindi kagaya nung "Temptation of a Wife". Ang sasama ng ugali ng mga tao!. Haayyy! Ewan ko kung bakit pinapanood yun ng nanay ko.
Marami akong favorite character dito. Si Master Palbong, dahil sa pagiging fair and true Master nia. Nakakaiyak kaya nung namatay sya. Lalo na yung eksena nung nilibing sya. Naaliw ako kay Melissa. Bukod sa ang cute nya, nakakatuwa pa sya kasi sobrang mahal nya si Tak Gu. Kahit alam nya na may ibang love si Tak Gu, GO pa rin sya.
At syempre si Tak Gu... Sobrang simpleng tao. Gusto nya lang gumawa ng tinapay. Keber sa pagiging presidente ng kumpanya. Saka kahit puro kawalanghiyaan na yung ginagawa sa kanya, pinapatawad pa rin nya. Tapos hindi sya nawawalan ng pag-asa. Iniisip ko nga kung meron nga talagang ganitong tao.
Mahirap maging katulad ni Tak Gu. Pero siguro sa buhay nya makikita natin na wala sa yaman ang kasiyahan ng tao. Basta ginagawa mo ang bagay na nagpapasaya sa'yo kahit gaano pa ito kasimple, hindi ka nagtatanim ng galit sa puso mo at hindi ka nagiging gahaman sa pera at kapangyarihan magiging masaya ka.
At kagaya ni Tak Gu may simpleng pangarap din ako. Pangarap na alam kong marami ang magtataka at hindi makaintindi. Sa ngayon kailangan ko munang gampanan ang tungkulin ko bilang anak at kapatid. Siguro mga ilang taon pa. Tapos pwede na ako gumawa ng tinapay... Hehe!
0 comments:
Post a Comment