RSS

Pages

AnO dAw yUn?

Paano mo nasabi na sa’yo siya? Kelan pa nangyari ‘yun? Sa palagay mo ba naniwala siya sa iyo nu’n? Malabo siguro…
Hindi mo naman kasi siya pinapahalagahan. Palagi mo lang sya binabalewala. Kaya hindi mo sya masisisi kung ganun ‘yung naging reaksyon niya.
Nakita ko yung pagkagulat niya sa sinabi mo. Alam niya kasi wala naman siyang halaga sa iyo. Alam niya hinding-hindi mo siya magugustuhan.
Nakakalungkot nga e. Halos lahat nagsasabi na bagay kayo. Kaya lang kayo namang dalawa ang ayaw. Nagkukunwari kayo na wala lang kayo. Pero meron naman talaga. ‘Yun nga lang mukhang naggagamitan na lang kayo. Pano na kayo ngayon?...
Paninindigan mo ba iyong sinabi mo sa harap ng mga kaibigan mo? Nasaktan ka ba sa naging sagot niya?
Kung say iyo na siya…kanya ka na ba?
Sana hindi ka lang nagiging selfish. Paano kung ayaw mo lang kasi siya ipamigay kasi nga gusto mo lang na sa iyo siya, pero ikaw pagmamay-ari pa rin ng iba? Hindi ba dapat lang na palayain mo na siya?
Siguro dapat bago mo siya angkinin na iyo, patunayan mo muna sa kanya na kanya ka na nga. Buong-buo, walang kahati… walang kaagaw.

Baka sakaling maniwala na siya…

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment