RSS

Pages

bEh! hIndI nAmAn mAsAkIt!!!

Sa gitna ng ingay at kaguluhan ng mga batang naglalaro sa kwarto ko ng araw na iyon isang bagay ang narinig ko na nagpatigil sa akin ng ilang segundo.Naisip ko ang tagal ko nang hindi naririnig ‘un. Medyo nawindangako nang sabihin ‘un ng inaanak kong si Lance sa ate niya habang nagaaway sila. Siguro nga mga bata lang talaga ang me karapatang magsabi non.Kasi kapag sa kanila manggagaling mas totoo, mas paniniwalaan. Pero kapag sa katulad na natin nagmula, kaplastikan na...kaipokritahan... Sasabihin mo ‘yun para lang maiparamdam mo sa taong gumawa nun sa iyo na okey ka lang.Wa-epek 'yung ginawa nya. Tipong 'oweno ngayon 'As if I care?!!! Para lang maisalba ang natapakan mong ego at magkaron ka pa rin ng konting pride.

Pero sa totoo lang gusto mo na syang murahin mula bumbunan nya hanggang talampakan pabalik sa bumbunan niya! Hindi lang kasi 3rd degree burn yung natamo mo sa kanya, dinaig mo pa ang double-dead na baboy!Masaker ito, kapatid! Kumuha siya ng patalim at ilang beses niya itong binaon sa dibdib mo. Hindi pa nga siya nakuntento dun kasi daig niya paang isang psycho killer. Dinukot niya pa ang kawawa mong puso sampu ng laman-loob sa katawan mo para tadtarin ng pinong-pino, daig mo pa ang bopis! Pero pasaway talaga siya... kumuha pa siya ng almires paradikdikin, ito hanggang maging pulbos, papel de hapon na lang, pulboron ka na!

Ewan ko na lang kapag nasabi mo pa ‘un sa kanya. Siguro nung nagspray ng baygon ang kapitbahay mo e nilanghap mo lahat kaya high ka nanaman!!! Oo ganon nga, kung hindi ka bangag e baka me sayad ka na. Pero kapag ang mga bata na ang nagaway at nag-iyakan tapos ilang minuto lang bati na hindi mo sasabihin sa kanila na “nakadrugs ba kayo?”Kasi nga me 'K' silang gawin ‘un! Ganon sila kadaling magpatawad at makalimot.Bakit kasi pag tumatanda na ang tao ang dali nang masaktan at makasakit, ang hirap nang humingi ng tawad at magpatawad, at ang tagal makalimot?
Haayyy!!! Sana bata na lang tayo habangbuhay para sa susunod na may mangaaway sa atin masasabi natin sa kanila nang walang kaipokritahan at pagaalinlangan na… 

“BEH! HINDI NAMAN MASAKIT!!!”

Kasi kapag pinaiyak niya na ako isusumbong ko siya sa tatay ko!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment