Sa gitna ng ingay at kaguluhan ng mga batang naglalaro sa kwarto ko ng araw na iyon isang bagay ang narinig ko na nagpatigil sa akin ng ilang segundo.Naisip ko ang tagal ko nang hindi naririnig ‘un. Medyo nawindangako nang sabihin ‘un ng inaanak kong si Lance sa ate niya habang nagaaway sila. Siguro nga mga bata lang talaga ang me karapatang magsabi non.Kasi kapag sa kanila manggagaling mas totoo, mas paniniwalaan. Pero kapag sa katulad na natin nagmula, kaplastikan na...kaipokritahan... Sasabihin mo ‘yun para lang maiparamdam mo sa taong gumawa nun sa iyo na okey ka lang.Wa-epek 'yung ginawa nya. Tipong 'oweno ngayon 'As if I care?!!! Para lang maisalba ang natapakan mong ego at magkaron ka pa rin ng konting pride.
Pero sa totoo lang gusto mo na syang murahin mula bumbunan nya hanggang talampakan pabalik sa bumbunan niya! Hindi lang kasi 3rd degree burn yung natamo mo sa kanya, dinaig mo pa ang double-dead na baboy!Masaker ito, kapatid! Kumuha siya ng patalim at ilang beses niya itong binaon sa dibdib mo. Hindi pa nga siya nakuntento dun kasi daig niya paang isang psycho killer. Dinukot niya pa ang kawawa mong puso sampu ng laman-loob sa katawan mo para tadtarin ng pinong-pino, daig mo pa ang bopis! Pero pasaway talaga siya... kumuha pa siya ng almires paradikdikin, ito hanggang maging pulbos, papel de hapon na lang, pulboron ka na!
“BEH! HINDI NAMAN MASAKIT!!!”