RSS

Pages

ArrIEtty's sOng (EnglIsh vErsIOn)



I'm 14 years old, I am pretty
I'm a teen tiny girl, a little lady
I live under the kitchen floor
Right here, not so far from you.
Sometimes I feel happy
Sometimes I feel blue
In my dreams O I wish I could...

Feel my hair blowing in the wind
See the sky and the summer rain
Pick a flower from the garden for you
Beyond the lane there's another world
Butterflies floating in the air
But is there someone out there for me?

And so life goes on, day after day
With knick-knacks on the floor, nooks and crannies
I live in a tiny world
But out there, someone waits for me.
I wish I had someone to watch over me
In my dreams O I wish I could...

Feel my hair blowing in the wind
See the sky and the summer rain
Pick a flower from the garden for you
Now I know there's another world
Butterflies floating in the air
There is someone out there for me.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

'gApO (At IsAng pUtIng pIlIpInO, sA mUndO ng mgA AmErIkAnOng kUlAy brOwn)

Ang Gapo ay ang unang aklat na isinulat ni Lualhati Bautista.

Ito ay kwento ng apat na tauhan na sumasalamin sa buhay ng mga kababayan nating Pilipino noong panahon na ang base military ng Amerika ay nasa ating bansa pa.

Si Michael Taylor Jr. ay  isang G.I. (Government issue) baby. Matapos maanakan ng isang puting amerikano ang kangyang ina bumalik na sa Amerika si Michael Taylor Sr. at hindi na muling nagpakita pa sa kanila. Ito ang nagging dahilan para magalit si Mike sa mga Kano. Madalas ang galit nya ay dinadaan nya na lamang sa mga kinakanta nya sa Freedom Pad kung saan sya ay tumutugtog gabi-gabi.
Si Modesto, isang trabahador sa base. Madalas syang nasa Freedom Pad, inuubos ang pera sa pag-inom dahil nais makalimot sa mga pang-aapi sa kanya sa base. Kung tawagin sya ng kanyang boss ay Yard Bird o ibon na nag-aantay lamang ng mga tira-tira. Ito ang dahilan kung bakit ayaw nyang dito magtrabaho ang kanyang anak. Sa labas kasi ay pinagyayabang nya na hindi sya nagpapaapi sa mga kano pero ang totoo ay kayan-kayanan sya ng mga ito. Ngunit nagpumilit ang kanyang anak at ng malaman nya mula dito na nabunyag na ang kanyang lihim. Napahiya sya sa kanyang anak higi't lalo sa kanyang sarili. Nung tinawag ulit syang yard bird ng kanyang amo ay nagpanting ang kanyang tainga at umalma na sya. Ito ang naging dahilan upang pagtulungan sya hanggang mapatay dahil sa palo ng tubo. Ninais syang ipagtanggol ng kaibigan  na si William Smith. Isang Kano na nakapag-asawa ng Pinay, ngunit ito ay dinismiss sa kanyang trabaho at pinabalik sa Amerika ng opisyal ng base. Dahil dito hindi nabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Desto.
Si Ali, ay isang bakla na maykaya sa buhay at madalas maghanap ng mapipick-up sa Freedom Bar. Sya ang nag-aalaga sa kanyang pamangkin na lumaki sa States. Nang makilala nyang isang nya si Richard Halloay, isang kano akala nya ay may isang lalaki na na magmamahal ng tapat sa isang katulad nya. Huli na ng malaman nya na kakutsaba pala ito ng kasambahay nyang si Igna. Nang mahuli nya ang dalawa na nililimas ang kaha de yero nya, pinagtulungan syang gulpihin ng mga ito.
Kasama ni Mike sa bahay ang kaibigan ng kanyang ina na si Magda. Isang hostess sa Freedom Pad kung saan tumutugtog si Mike. Kung si Mike ay galit sa Kano, si Magda naman ay humaling sa kahit anong bagay na stateside. Isa sya sa mga kababaihang nangangarap na makasilo ng isang kano para matupad ang pangarap na makapunta sa Estados Unidos. Nung makilala nya si Steve Taylor akala nya ay matutupad na ang kanyang pangarap. Ngunit nung malaman ni Steve na sya ay nagdadalang-tao iniwan din sya nito. Pinagtapat na may pamilya na syang naiwan sa Amerika.
Naging kaibigan ni Mike si Steve kaya akala ng huli ay maiintindihan ni Mike ang sitwasyon nya. Pero nagbalik kay Mike ang nangyari sa kanyang ina, ang sarili nyang sitwasyon, ang naranasang pang-aapi sa mga kaibigan nyang si Desto at Ali, at ngayon ay si Magda nagdilim ang paningin ni Mike. Hinampas nya ngkanyang gitara si Steve hanggang sa mapatay nya ito. Nakulong si Mike pero hindi nya pinagsisisihan ang ginawa nya. Hindi ipinalaglag ni Magda ang pingabubuntis nya at balak nya itong pangalanang Michael Taylor III.
Ang sakit na ito ng Gapo ay sakit pa rin hanggang ngayon ng mga Pilipino. Ang mangarap manirahan sa ibang bansa lalo na sa Estados Unidos. Mapapatunayan ito sa haba ng pila sa US embassy sa Maynila araw-araw. Mahilig tayo buumili ng mga pagkain at gamit na stateside. Kahit gaano pa kamahal basta stateside, kahit mgakautang-utang pa! Ang paguna sa mga kustomer na banyaga dahil umaasa sa malaking tip samantalang binabalewala ang mga kababayan. At ang madalas ko talagang napapansin, basta nakarinig tayo ng nagiinggles, humahanga na kagad tayo kahit walang laman ang sinasabi basta ingles bilib kagad tayo. 
Kolonyalismo! Sa 300 taon na pananakop sa atin ng mga Kastila, sumunod ang mga kano at Hapon tapos ang pakikipagkaibigan kuno natin sa mga kano masyado na tayong nasanay magpasakop sa iba. Hospitable daw tayo kaya kinakanlong natin ang lahat na gustong sumakop at abusihin ang bansa natin. Maraming mga Magda pa ang nabubuhay ngayon. Naghahanap ng isang anak ni Uncle Sam na magaahon sa kanya sa putik para dalhin sya lugar na umuulan ng niyebe. Pero meron pa ring mga Modesto at Mike Taylor Jr. na lalaban at hindi papaapi sa mga dayuhan.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS