1. dahil sa'yo nakapagtrabaho ako sa Senate… at minsan ako ay yumaman. At dun na rin nagsimulang mawindang ang tahimik kong buhay at ang mas malalim nating samahan. Kaya't halina at ating balikan... *^_^*
2. dahil palagi mo akong pinagluluto ng favorite kong sinigang pag nakikikain ako sa apartment.
3. dahil pinagplantsa mo ako ng damit nung minsang nagsleep over tayo. Alam mo kasi hindi ako marunong magplantsa nun. ;)
4. dahil kulang na lang e patirahin mo ko sa boarding house/apartment mo… actually, andun pa ata yung toothbrush ko. Hehe!
5. dahil nung 2003 haberday ko, niregaluhan mo ko ng favorite scent ko na Victoria Secret na hindi ko alam kung saan mo nahanap… hanap mo nga ulit ako. Phase out ata yun :(
6. dahil sa'yo nanggaling ang recipe ng coffee jelly na best-seller sa mga friendships ko.
7. dahil lahat ng maisip kong pag-aralan lutuin e merecipe ka nang itetext sa akin.
8. dahil palagi tayong magka-share sa ulam nung opismeyt pa tayo.
9. dahil pag may bagong meal ang jollibee/mcdo/greenwich/kfc, tinatry natin yun. Takaw natin! :p
10. dahil bago ka matulog e nagmumuni-muni ka pa, sa saliw ng "Mr. Dj" ni Ate Shawie habang tumutulo ang luha mo sa unan na me nakaipit na piktyur ni… itago na lang natin sa pangalang… ANTHS_M@yahoo.com (pagkakataon ko ng mambuking. Hehe!)
11. dahil number 2 fan ka ni Sheryl Cruz! Ako ang Number 1! "I love you, Nicko!" Bwehehe!
12. dahil sa kantang "I'm not crazy, I'm just a little unwell"… hindi ko na matandaan kung bakit. Basta kanta ko yan sa'yo. Naalala mo pa ba kung bakit?
13. dahil pareho nating peborit ang "Million Miles Away"… and this song is lovingly dedicated to… ikonek natin sa CPAR (Harot!)
14. dahil sinamahan mo akong manood ng E-heads concert… punta ka dito, andito si fafa Ely. Magshoshow… tribute daw sa E-heads :)
15. dahil sinasamahan mo akong manood ng horror films kahit nakatakip ang kamay mo sa mga mata mo hanggang matapos ang pelikula.
16. dahil siguradong maaalala mo ko pag narinig mo ang kantang "If I Believe"… pero nde ko naman ata nakwento sa'yo ang "Tattooed on my mind". Gusto mo kwento ko na ngayon? hahaha!
17. dahil sasamahan mo kaming manood sa Araneta at magchicheer ka sa Ginebra, kahit SMB fan ka basta hindi sila ang mag kalaban.
18. dahil palagi mo akong pinapautang…pero hindi ko ipagsasabi, baka mangutang din sila. Hehe!
19. dahil kilala mo halos lahat ng kaibigan ko… at pag kasama ko sila, ikaw ang hinahanap nila. Siguro gusto nilang makipagSwap ng barkada? Ikaw na! Da Best ka ,eh! :P
20. dahil kahit bonggang bonggang lait at pangaaway ko sa dating former ex mo noon eh wala ka pa ring violent reaction… hindi kaya sinumpa mo lang ako na hindi magkakaboypren kahit kelan? Waaahhhh!
21. dahil kahit gaano ka pa kaasar o kagalit ang alam mo lang na reaksiyon e "Sira ka", "Sira sya", "Sira silang lahat"… yan na ang alam mong mura. (ako na lang mumura sa kanila…&^*&^#&%!^@^*&^ nyong lahat!)
22. dahil kahit na nasa Malolos ka basta nagtxt ako ng "Migs, san ka? Inom tayo?", luluwas ka para lang samahan ako.
23. dahil kahit isang boteng beer lang ang iinumin mo sasamahan mo ko hanggang maglast order na… or makiusap sa atin ang weyter na lumayas na tayo. :p
24. dahil may talent tayo sa pag-inom at pag-iyak at the same time sa loob ng bar… kasi trip lang natin. Kaya wag silang makikialam! Gusto nating magpadiscover ke Direk! :P
25. dahil kahit gaano ka pa kaantok basta galing tayo sa gimik magaantay ka ng txt para masiguradong nakauwi ako ng matiwasay :)
26. dahil pag lasing ka na… lahat ng sikreto ko binubunyag mo! Bonggang-bonggang paglalaglag! Sana walang ganyang eksena kanina :|
28. dahil kilala mo silang lahat na kinabaliwan ko… kahit sa pangalan lang. at hindi mo na sila kinalimutan… palagi mo silang pinapaalala. Tsk! Tsk!
29. dahil everytime na magkita tayo me isang tao kang palaging kinakamusta ng walang palya! Pansin mo?
30. dahil Number One Fan ka ng lahat ng mga unsyaming labteam sa buhay ko… siguro jini-joke mo lang ako? Deep inside iniisip mo "Assuming ka lang, migs". Hayaan mo na, magfeeling man lang. Hehe!
31. dahil pinagtityagaan mo ang isang loka-lokang katulad ko na walang alam gawin kundi magunderground at maglaho sa magulong mundo ng syobiz! (Drama queen itetch!)
at isa lang naman ang natatanging wish ko for you… at eto yun…
33. wish ko na maging wedding coordinator mo SOON! Naiinip na ko! Kelangan makahanap ka na ng mag-aalaga sa "Pagod mong puso!" Hehe! Pramis kahit na saang lupalop pa ako, uuwi ako para lang jan. Ano bang mottif mo? Gusto mo Beach, church o garden wedding? Gusto mo yung Garden of Eden theme... hubo't hubad kayo ng groom pati mga guests. lol
So in short, nde yan wish… COMMAND! Sige ka hahanap si nanay ng veklang lalahi sa'yo. Hehe!