RSS

Pages

hIgIt pA sA bUhAy kO...

“Do you love or do you crush?” Haayyy!!! Nangungulit na naman si kuya Eric.Syempre mapapangiti lang ako. Kunwari hindi ko narinig.


“Mahal mo?” Pang ilang beses na ‘ ba ‘to natanong?


“Haayyy!!!” (ulit!)


Eto na naman ako parang sabit sa lakad ng barkada niya. Kelan kaya kami aalis na kaming dalawa lang? Not that I don’t like his friends… kaya lang we don’t have a chance to talk and catch up on each other’s lives. Para kasi kaming me mga fans na nanonood at sinusubaybayan lahat ng galaw namin. At ganito na lang palagi ang nangyayari… Palagi na lang akong nasa hotseat!


“Jovs, ano mahal mo?” Nakupo! Si Richie naman ngayon ang bumabanat. Patay na!


“Bakit hindi mo masagot? Ganyan talaga ang mga taga-PUP. Wala kasing canteen… hindi nananghalian… kaya hayan!


“Ako na naman ang nakita mo. Ano ba kasi yung pangalan nung taga-PUP na bumasted sa’yo?” Napapailing na tanong ko.


“Ano na nga Jovs? Do you love or do you crush?” Lasing na talaga si Kuya Eric. Ayaw akong tantanan.


“I only hate… I hate you!!! Kulit mo kasi!” Medyo halatang naaasar na ko sa mga tanong nila.


“Papaiyakin mo lang iyong kaibigan namin. Niloloko mo lang siya!”


Eto na naman sila pinaparatangan ako ng kung anu-ano. Feeling ko tuloy ang sama-sama kong tao. Ano bang gagawin ko para tumigil na sila? Hindi ko na tuloy siya matingnan. Baka magalit na siya. Medyo me pagkapikon pa naman siya. Ano kayang iniisip niya kapag tintanong ako ng barkada niya tapos hindi ako makasagot? Siya lang naman kasi ang iniisip ko.Baka magalit siya…


Bakit ba kasi kailangan nilang malaman? Minsan gusto ko nang sagutin kaya lang hindi naman iyon dapat pinag-uusapan ng ganon na lang. Para kasing tinatanong lang nila kung gusto ko bang kumain?


Ano naman kaya ang magiging reaksiyon niya kapag sinagot ko ‘yung tanong na ‘yon? Alam ko naman na matatakot siya. Baka layuan niya na ako. Saka gusto kong sagutin kapag siya na ‘yung nagtanong… siya lang naman ang may karapatan na makaalam ng sagot ko.


“E Mark, mahal mo ba?” Baling ni Kuya Eric sa kanya.


“HIGIT PA SA BUHAY KO!”

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

my fUnErAl sOng

REMEMBER

by Christina Rossetti

Remember me when I am gone away,

Gone far away into the silent land;

When you can no more hold me by the hand,

Nor I half turn to go, yet turning stay.

Remember me when no more day by day

You tell me of our future that you plann'd:

Only remember me; you understand

It will be late to counsel then or pray.

Yet if you should forget me for a while

And afterwards remember, do not grieve:

For if the darkness and corruption leave

A vestige of the thoughts that once I had,

Better by far you should forget and smile

Than that you should remember and be sad.

 

I’m glad I was able to chance upon this video in youtube.


  Although it may sound morbid but I want this poem to be sung in my funeral.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS